A Travellerspoint blog

the beginning of an end

hoby blogs part 6

Nag CR ako, nakita ko si shy, sabi nya “mukang sad ka ngaun, at wala na ako narerecieve na email mo, kayo pa ba?” no sagot ko??. Wala. I just smiled. Pero naisip ko. Ano na nag ba kami??

Sa totoo lang di ko alam kung ano isusulat ko ditto. Kasi blank talaga ang utak ko ngaun. Clueless. Kami pero hindi kami nagkikita,. Di kami nagttxt, swerte na kung makatanggap ako ng isang txt sakanya sa loob ng isang linggo. Wala naman xa ginagawang masama. Puro maliliit na bagay lang. maliliit na bagay na untiunting sumisira samin.

Trust: meron ako nyan. Pero pag nawawala yung trust ko sakanya gusto ko baliok pero kailangan ko ng tulong nya para mabuo yung trust ko ulit. Tulad ng mga promises na sinasabi nya. Example. Msaya na ako nun nung binigay nya sakin ang password nya sa friendster. Corny pero feeling ko nung parang binigay na nya sakin buhay nya. Weird noh?? kasi xempre ibig sabihin nun wala xa tinatago sakin. Nawala yung trust ko sakanya nung nalamn ko na may iba pa pala xa friendster.

♥Status: single

Featured friends : yung kinaseselosan kong bestfriend nya na kamuka ni maja Salvador .

Ay nako naloka talaga ako. Nakakapangselos at nakaka insecure.

Ngaun I checked his friendster. Naka private profile na xa.

♥Inadd ko yung friendster nya nay un. Every time na nag llog in ako inaad ko talaga xa. But till now di pa nya inaapprove. Pinalagpas ko yun

♥May picture ng ibang babae sa fs nya. Montik na kami mag break nun. Pero sabi na buburahin nya nalang daw. After 2 weeks andun padin. Pinalagpas ko ulit.

♥copied pictures naming sa pangasinan. Or should I say pictures nya. Nilagay nya lang kasi mga pics nya. Di nya nilaghay yung kasama ako. Ano gusto nya palabasin diba?? Sabi nya “magkasama na kasi tayo sa lahat ng pic eeh. Para maiba naman” pinalagpas ko ulit

♥may isang picture dun na magkasama kami. But guess what?? He cut me out of the picture. Sabi nya “ang gwapo ko kasi sa picture nay an eh” sabi ko”mas ggwapo ka ba pag di ako kasama” sabi nya “mejo” pinalagpas ko ulit

♥sabi ko sakanya. “pano kung ako ang gumawa nyan sayo?? Ano maffeel mo?? Sabi nya “ok lang. basta sabihin mo sakin yung dahilan, sakin naman sinabi ko naman diba?? Kaya ok nay un, ang hirap sayo maxado ka nagiisip eeh. Kaya ka nasasaktan” wala na ako sinabi nyan. Ayoko na magsalita pero hello.. ako pa ba ang mali ?? Sabihin nyo nga sakin.. ako ba??

♥mothers day nagtxt xa kay mommy para igreet. Then nagkatxt na xa ng matagal. Sabi ng mommy ko “ I Love my daughter so much, I want every best thing in this world for her. Isang beses palang kita nakita at di pa kita gaano kakilala kaya di ko alam kung ano intention mo sa anak ko. Kung ano man yun, sana pakita mo sakanya na mahal mo xa. Its not enough na sinasabi mo sakanya. Sana gawin mo. Ipa feel mo” sabi ni dudong “opo, gagawin kop o, pupunta po ako jan papatunayan ko po sainyo”. Guess what?? Till now di parin xa bumabalik. Inisip ko nun baka namn wala xa money. Sabi ko pa kung gusto nya pumunta sabihin nya lang pede ko naman xa bigyan money eeh. Pero ayaw nya.. pride ba?? O ayaw nya lang talaga..

♥nahihiya na ako sa mom ko i wanted to let her feel na karapat dapat kami sa trust nya. Kaso pano mangyayari un? Till now wala parin effort si dudong para puntahan ako ditto. Dapat ba ako ang gumawa ng way palagi?? Do I deserve this?? L

♥ang palagi naming pinagaawayan ni dudong ay yung mga plans ko na gusto kong gawin nya. I mean pag nag pplano naman ako di naman selfish yun eeh. Its for the both of us naman. Kaso palagi nya sinasabi na ayaw nya na pinangungunahan xa. Palusot lang ba yun? O ganun talaga xa. Kaya di ko masabi sakanya lahat ng ito kasi ayoko isipin nya na pinangungunahan ko nanaman xa. Pero as totoo lang its killing me. Parang anay na sumisira sa love ko sakanya. Parang ang relationship naming ngaun ay nakatago nalang sa isang tabi. Yung tipong pinapabayaan. Bahala na kung ano mangyari. I always wish n asana xa na yung hinahanap ko matagal n. dahil hello diba? Childhood sweetheart ko kaya xa. Pag nawala xa malaki ang mawawala sakin. Kasama xa habang tumatanda ako. Kaya malaki talaga. Parang nung kinder ka natuto ka magbasa. Hanggang pagtanda mo kasama mo yung pagbasa. Ganun kami. Di naman madali na kalimutan yun diba?? Parag pag nawala xa parang tatanggalin ko ang malaking part sa buhay ko. I loved him so much. But I love myself too. Sa mga past ko. Natuto na ako. Ganun nab a talaga ako kapanget at kataba para hindi mahalin?? Minahal nya kaya talaga ako? Mahal nya pa kaya ako? Di ko alam. Bahala na. kaya ko pa naman mag hold on. Kaya ko pa..

Posted by chengganda 8:47 AM

Email this entryFacebookStumbleUponRedditDel.icio.usIloho

Table of Contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint